Bilang ng mga nasawi dulot ng Bagyong Tino, lumobo na sa 188 ayon sa NDRRMC

Umakyat na sa 188 katao ang naiulat na nasawi matapos manalasa ang Bagyong Tino sa bansa, ayon sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang Cebu ang may pinakamaraming naiulat na nasawi na nasa 139 na indibidwal, sinundan ng Negros Occidental na may 24, Negros Oriental na may 9, Agusan del Sur na may 6, Capiz na may 3, Southern Leyte na may 2, at tig-iisa naman sa Antique, Iloilo, Guimaras, Bohol, at Leyte.

Samantala, aabot na sa 135 katao ang naiulat na nasawi sa naunang ulat, kung saan 79 dito ay mula sa Cebu, 39 sa Negros Occidental, at 17 sa Negros Oriental.
R
Habang nasa 96 na indibidwal naman ang naiulat na nasugatan mula sa Cebu, Leyte, Negros Occidental, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.

Kaugnay nito, nasa mahigit 2 milyong katao o katumbas ng mahigit 600,000 pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Tino.

Facebook Comments