Makapagtala na ng higit kumulang 300 na bilang ng mga nasawi na dulot ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) ang Health Department ng lungsod ng Pasig ngayong umaga.
Batay sa kanilang datos, sumampa na sa 7,008 ngayong umaga ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng naturang sakit sa lungsod.
Nasa 5,888 naman na ang bilang ngayon ng mga gumaling.
Sa ngayon, ang active COVID-19 cases sa lungsod ay nasa 822, na patuloy pa ring binabantayan at nananatili sa quarantine facility ng lungsod.
Pakiusap ni Mayor Vico Sotto sa mga residente ng lungsod na sumunod sa mga health protocols na ipinatutupad ng nasyonal at lokal na pamahalaan upang hindi na mahawa pa ng virus.
Hinikayat din niya ang mga nakatira sa Pasig City na kung sakilang posibleng na-expose sila sa virus ay ipagbigay alam agad ito sa mga Barangay Health Center.