Bilang ng mga nasawi ng dahil sa COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong, pumalo na sa 100

46

Umabot na sa 100 ngayong umaga ang mga nasawi sa lungsod ng Mandaluyong ng dahil sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Ito ay matapos makapagtala ang Health Department sa lungsod ng tatlong bagong nasawi na COVID-19 patients sa nakalipas na 24 oras.


Ang mga nasawing COVID-19 positive sa lungsod ay mula sa Baranagay Addition Hills, Barangay Malamig, at Barangay Poblacion.

Nadagdagan din ng 57 ang bilang ng recoveries sa naturang lungsod kahapon, kaya naman tumaas ang bilang nito sa 1,564.

Tumaas din ngayong umaga ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod na umabot na ng 2,413, matapos madagdagan ito ng 68 kahapon.

Nasa 1,179 naman ang kabuuang bilang ngayon ng suspected cases ng COVID-19 sa lungsod habang 145 naman sa probable case.




Facebook Comments