Pumalo na sa 78 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Usman.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas, naitala ito mula sa Mimaropa, Bicol Region at Eastern Visayas.
Nasa 15 naman ang nasugatan habang 21 ang nawawala.
Pero sabi ni Posadas, kailangan pang dumaan sa beripikasyon ang bilang ng mga nasawi.
Batay pa sa NDRRMC, umabot sa halos 200,000 indibiduwal o 45,000 pamilya na naapaektuhan ng bagyong Usman.
Facebook Comments