Manila, Philippines – Umabot na sa 510 ang bilang ng mga nasawi sa ika-50 araw nabakbakan sa pagitan ng gobyerno at ng maute terror group sa Marawi City.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig/Gen. Restituto Padilla –nasa 90 sundalo na ang nagbuwis ng kanilang buhay habang 381 naman ang napatay sa panig ng mga terorista.
Nasa 39 na sibilyan naman ang nasawi habang aabot sa higit 1,700 ang nasagip.
Nakarekober naman ng 461 matataas na kalibre ng baril.
Tinatayang nasa 40,000 katao na pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments