Bilang ng mga nasawi sa Bicol Region dahil kay ‘Usman’, umakyat na sa higit 100

Sumampa na sa higit 100 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Usman sa Bicol Region.

Sa datos ng Office of the Civil Defense (OCD)-Bicol, nasa 105 kataong naitalang patay dahil sa mga pagbaha at landslide sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Nakapagtala ng 57 patay sa Camarines Sur; 18 sa Albay; 15 sa Camarines Norte; walo sa Sorsogon at pito sa Masbate.


Maliban dito, nasa 23 katao naman ang hanggang sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap habang 53 ang naitalang sugatan.

Ang nasabing bilang ng casualty sa rehiyon ang pinaniniwalaang tumaas pa dahil sa nagpapatuloy na retrieval operation sa landslide area sa Barangay Patitinan, Sagñay, Camarines Sur.

Samantala, halos 31,000 pamilya pa ang nananatili pa sa mga evacuation centers sa limang lalawigan ng Bicol.

Nanindigan naman si NDRRMC Spokesperson Edgar Posadas – na hindi nagkulang ang gobyerno at ginawa nila ang lahat para i-alerto ang publiko.

Agad na hinatid ng NDRRMC sa mga regional at provincial branch nito ang abiso ng Mines ang Geosciences Bureau (MGB) na mula 2,000 hanggang 8,000 barangay ang pwedeng maapektuhan landslide at pagbaha.

Bukod dito, aktibo rin ang message alert ng NDRRMC sa mga residente.

Facebook Comments