Bilang ng mga nasawi sa Bohol dahil sa Bagyong Odette, halos 100 na – LGU

Pumalo na sa 99 ang bilang ng mga nasawing indibidwal sa lalawigan ng Bohol matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.

Ito ang kinumpirma ni Bohol Governor Arthur Yap kung saan aabot naman sa 20 katao ang patuloy pa rin na pinaghahahanap.

Sinabi naman ni Surigao del Norte 1st District Rep. Francisco Matugas II na nasa 19 na ang naitalang namatay sa Siargao Island dahil din sa bagyo.


Samantala, nag-iwan din ng aabot sa 70 katao na nasawi ang Bagyong Odette sa lalawigan ng Negros Occidental habang 22 pa ang nawawala.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Executive Director Adrian Sedillo, karamihan sa mga ito ay namatay dahil sa pagbaha at ang iba naman ay nabagsakan ng mga nabuwal na puno.

Sa kabuuan, nasa 188 na ang bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa bagyo pero nananatili sa 177 ang opisyal na datos ng NDRRMC.

Facebook Comments