Bilang ng mga nasawi sa BuCor facilities ngayong taon, mababa kumpara noong 2019

Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na ang mga naitatalang namatay sa jail facilities ng Bureau of Corrections (BuCor) sa unang pitong buwan ng 2020 ay hindi mataas kumpara sa daily average noong 2019.

Sa datos ng BuCor, nasa 476 inmates ang namatay mula January hanggang July 19, 2020 o katumbas ng 2.3 deaths kada araw.

Mula sa nasabing bilang, 21 ang namatay sa COVID-19.


Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, tinatayang nasa dalawa hanggang tatlong Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang namamatay sa kulungan kada araw noong nakaraang taon.

Dagdag pa ni Guevarra, karamihan sa mga namatay sa COVID-19 ay mayroong pre-existing respiratory illnesses.

Aminado rin ang kalihim na ang mga ipinapatupad na protocols ng BuCor kapag may namatay na inmate ay hindi sapat.

Nabatid na ipinag-utos na ng DOJ sa National Bureau of Investigation (NBI) na siyasatin ang pagkamatay ng ilang high-profile inmates sa loob ng National Penitentiary.

Facebook Comments