Umakyat na sa 72 ang bilang ng mga naitalang nasawi sa CALABARZON dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, iniulat ni Office of the Civil Defense (OCD) Region 4A Dir. Carlos Alvarez III na isinasailalim pa rin sa validation ang numero ng casualty bilang bahagi ng proseso.
Bukod dito, may 13 pang nawawala at 45 naman ang naitalang sugatan.
Pinakamarami ang nasawi sa Batangas dahil sa nangyaring landslide.
Kaugnay nito, umaasa naman ang OCD na hindi na madadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi kasabay na rin ng nagpapatuloy nilang paghahanap sa iba pang mga nawawala.
Facebook Comments