Bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa PNP, 33 na; Aktibong kaso, umakyat na sa mahigit 800

Inihayag ng Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) na nadagdagan na naman ng isa ang nasawi dahil sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) kung saan umabot na sa 33 ang death toll sa PNP batay na rin sa datos mula sa PNP Health Service.

Ayon kay PNP Officer-in-Charge at ASCOTF Commander P/LtG. Guillermo Eleazar, nasawi ang 54 na taong gulang na lalaking pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) noong Marso 12 dulot ng acute respiratory failure, secondary to pneumonia high risk.

Kasunod nito, nakapagtala rin ang PNP ng 99 na bagong kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay kaya’t umakyat na ito sa 12,162 kung saan 35 sa mga bagong kaso ay mula sa National Operations Support Unit, 22 sa NCRPO, 16 sa Central Luzon at 10 naman mula sa National Headquarter.


Habang 5 ang naitala sa Central Visayas, tig-3 naman sa National Administrative Support Unit, CALABARZON at Northern Mindanao habang tig-isa ang naitala sa CARAGA at Cordillera Administrative Region.

Mula naman sa kabuuang bilang ng mga tinamaan ng naturang virus,aabot sa 849 sa mga ito ang aktibo matapos madagdagan ng 14 ang gumaling sa sakit kaya’t umakyat na sa 11,280 amg kabuuang gumaling o nakarekober sa hanay ng PNP.

Facebook Comments