Sumampa na sa 16 ang iniulat na nasawi dahil sa masamang lagay ng panahon bunsod ng shearline sa CARAGA at Davao Region.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), ang sampung nasawing indibidwal ay kumpirmado na dahil sa landslide habang ang anim ay patuloy pang beneberipika.
Nakapagtala rin ng limang kumpirmadong sugatan dahil pa rin sa landslide.
Sa ngayon, lumobo pa sa 152,642 pamilya o katumbas ng mahigit 670,000 katao ang apektado ng sama ng panahon.
Sa nasabing bilang 3,765 pamilya o halos 14, 000 indibidwal ang nasa evacuation centers habang ang nasa mahigit 18,000 indibidwal ay mas piniling makituloy pansamantala sa kanilang mga kamag anak o manatili na lang sa kanilang mga tahanan.
Facebook Comments