Bilang ng mga nasawi sa lindol sa Central Luzon, aabot na sa 17

Pumalo na sa 17 ang nasawi matapos ang magnitude 6.1 na lindol sa Luzon.

Ayon sa DILG, dumagdag sa bilang ang isang lola na natabunan ng gumuhong pader sa Angeles, Pampanga.

Sa nasabing bilang, 15 sa mga nasawi ay galing sa Pampanga habang ang dalawa ay mula sa Zambales.


Tuloy naman ang isinasagawang search and rescue sa mga natabunan ng gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga.

Giit ng DILG, isa na lang ang hinahanap ng rescue team mula sa gumuhong supermarket.

Facebook Comments