Umabot na sa pito ang patay kasunod ng magnitude 6.6 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao kahapon.
Batay sa impormasyon mula sa Office of Civil Defense Region 12 at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), isang 66-anyos na lalaki ang namatay matapos mabagsakan ng concrete slab sa Koronadal City.
Sa tala naman ng North Cotabato PDRRMO, dalawang katao partikular ang isang 22-anyos na lalaki at pitong taong gulang nitong anak ang namatay sa bayan ng arakan matapos matamaan ng malaking tipak ng bato mula sa bundok.
Isang 15-anyos na grade 9 student ng Casuga National High School naman ang nasawi sa Magsaysay, Davao del Sur nang mabagsakan ng falling debris.
Isang babae naman ang natabunan ng landslide sa Barangay Tagaytay sa Magsaysay, Davao del Sur.
Ayon naman kay Tulunan Mayor Reuel Limbungan – mayroong 23-anyos na babaeng buntis ang namatay sa Barangay Banayal matapos mabagsakan ng puno.
Kinumpirma naman ni Digos City Mayor Josef Cagas na isang 36-aynos na Jeramie Sarno ang namatay.
Isang babae naman ang nawawala matapos ang landslide sa Barangay Tagaytay sa Magsaysay, Davao del Sur.
Nasa 173 ang sugatan sa Northern Mindanao at Soccsksargen.
Nasa 23 Local Government Units (LGUs) na ang nagsuspinde ng klase dahil sa mga inaasahang aftershocks.