Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasugatan sa magnitude 6.1 na lindol sa Zambales noong nakaraang linggo.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, pumalo na sa 243 ang bilang ng mga sugatan kung saan 174 rito ay vinalidate ng Department of Health o DOH.
Nananatili naman sa 18 ang mga nasawi habang lima ang nawawala.
Umabot naman sa 3,632 pamilya o 7,410 indibidwal ang naapektuhan ng lindol sa gitnang Luzon.
Sa nasabing bilang, 980 na pamilya rito ang nananatili pa rin sa mga evacuation center.
Facebook Comments