Bilang ng mga nasawi sa Magnitude 6.9 na Lindol sa Davao Del Sur, umakyat na sa 11

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa Magnitude 6.9 na Lindol sa Davao Del Sur.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umakyat na sa 11 ang patay habang 111 ang sugatan.

10 ang naitalang patay sa Davao Region habang isa sa Soccsksargen.


Nasa 172 paaralan ang napinsala ng Lindol.

Aabot sa 823 na aftershocks na ang naitala.

Ang 6.9 magnitude na lindol ay ika-apat sa pinakamalakas na lindol sa yumanig sa Mindanao sa loob ng dalawang buwan.

Unang naitala ang 6.3 Magnitude noong October 16, Magnitude 6.6 noong October 29, at Magnitude 6.5 nitong October 31.

Facebook Comments