Aabot na sa mahigit 300 ang nasawi matapos ang magnitude 7.2 na lindol sa Haiti.
Ayon sa US Geological Survey, ang naturang malakas na lindol ay sinundan ng ilang aftershocks na nakapagtala rin ng maraming sugatan, nawawala at pinsala sa mga imprastraktura.
Natunton ang pagyanig sa layong walong kilometro mula sa bayan ng Petit Trou de Nippes na may lalim na sampung kilometro habang ang episentro naman ay tinatayang 160 km mula sa Port-au-Prince.
Samantala, binawi na ng U.S. Tsunami Warning System ang tsunami warning na kanilang nauna nang inilabas.
Matatandaan, noong January 2010 ay niyanig ng magnitude 7.0 na lindol ang Haiti na nag-iwan ng mahigit 300,000 na mga namatay.
Facebook Comments