LANAO DEL SUR – Umakyat na sa 54 ang bilang ng namatay sa nagpapatuloy na operasyon ng militar laban sa Maute Terror Group sa Lanao del Sur.Ayon kay Major Filemon Tan, tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command, batay sa kanilang intelligence report, ang 54 ay pawang mga miyembro ng grupo.Dalawa namang sundalo ang nasawi sa nagpapatuloy na operasyon at siyam ang sugatan.Kinilala ni Tan ang mga nasawing sundalo na sina Private First Class Danilo Allaga at Mark Ferdinand Ortaliza.Sinasabing ang Maute brothers ang pasimuno ng serye ng mga pambobomba sa mga tore ng NGCP sa Mindanao.Bukod pa ito sa mga kaso ng kidnapping kung saan ang pinakahuli ay ang pagdukot ng mga ito sa anim na manggagawa ng isang sawmill sa Iligan City.Nasa 1,200 na residente sa lugar ang apektado ng bakbakan.
Bilang Ng Mga Nasawi Sa Nagpapatuloy Na Bakbakan Ng Militar At Maute Group Sa Lanao De Sur, Umabot Na Sa Limampu’T Anim
Facebook Comments