Bilang ng mga nasawi sa pagkalason sa lambanog sa Rizal, Laguna – umabot na sa 12

Umakyat na sa 12 ang nasawi dahil sa pagkalason matapos uminom ng lambanog sa bayan ng Rizal sa Laguna.

Sinabi ni Rizal Police Chief, Capt. Lindley Tibuc, kinumpiska na nila ang mga lambanog mula kay Emma Ocaya, kung saan nabili ng mga biktima ang mga nainom nilang lambanog.

Hindi muna inilagay sa kustodiya ng pulisya ang supplier ng lambanog matapos ma-ospital nang ma-altapresyon.


Lumalabas na ang kinukuha ni Ocaya ang lambanog sa isang nagngangalang Fred Rey mula San Juan, Batangas.

Agad namang sumuko si Rey sa pulisya pero iginiit niya na 40-taon na silang gumagawa ng lambanog kaya hindi rin niya maipaliwanag kung bakit may mga namatay at na-ospital.

Nangako naman si Rey na magbibigay ng financial assistance sa mga biktima.

Sinisilip na ng Rizal Police na sampahan ng negligence resulting in Multiple Homicide at Serious Physical Injury laban kay Rey.

Sa ngayon, ipinapatupad na ang ban sa pagbebenta ng lambanog sa buong lalawigan ng Laguna.

Samantala, sinabi ni Calabarzon Police Chief, Brig/Gen. Vicente Danao Jr, ipinagbabawal na rin ang pagbebenta ng lambanog sa buong rehiyon.

Facebook Comments