Bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Kristine, sumampa na sa 116

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng casualties sa pananalasa ng nagdaang Bagyong Kristine.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 116 ang bilang ng mga naitalang nasawi, 109 ang nasaktan at 39 pa ang naitalang nawawala.

Ayon sa NDRRMC, ang nasabing bilang ay patuloy pang sumasailalim sa beripikasyon.


Samantala, higit 1.6-M pamilya o katumbas ng mahigit 6.7-M indibidwal ang apektado ng bagyo mula sa 10,147 na mga barangay sa Region 1 (Ilocos Region), Region 2 (Cagayan Valley), Region 3 (Central Luzon), CALABARZON, MIMAROPA, Region 5 (Bicol), Region 6 (Western Visayas), Region 7 (Central Visayas), Region 8 (Eastern Visayas), Region 9 (Zamboanga Peninsula), Region 10 (Northern Mindanao), Region 12 (SOCCSKSARGEN), CARAGA, BARMM, CAR at NCR.

Sa nasabing bilang, mahigit kalahating milyong indibidwal pa rin ang pansamantalang nanunuluyan sa iba’t ibang evacuation centers sa bansa.

Nasa 160 siyudad at munisipalidad na rin ang nasa ilalim ngayon ng state of calamity.

Kaugnay nito, halos P700-M na ang halaga ng tulong na naipagkakaloob ng pamahalaan sa mga apektadong residente na kinabibilangan ng family food packs, damit, gamot at maraming iba pa.

Facebook Comments