Bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Paeng, nadagdagan pa

Sumampa na sa 156 ang napaulat na nasawi sa pananalasa ng Bagyong Paeng.

Sa datos National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamarami sa napaulat na nasawi ay galing sa BARMM na 63.

• 34 ang galing sa Calabarzon
• 33 mula sa Region 6
• Lima galing sa Region 8
• Tig-apat galing sa Region 9 at Region 12
• Tatlo galing sa Region 2 at MIMAROPA
• Tig-dalawa mula sa Region 3, Region 5 at Region 7
• Isa mula sa CAR


Sa nasabing bilang, 121 ang kumpirmadong nasawi na may kinalaman sa bagyo habang 35 ang for validation pa.

Maliban dito, may napaulat din na 141 nasaktan at napaulat na 37 nawawala dahil sa Bagyong Paeng.

Facebook Comments