Bilang ng mga nasawi sa Sri Lanka bombings, sasampa na sa halos 300!

Hiniling na ng Sri Lankan government ang emergency powers kasunod ng malagim na pambobomba sa mga hotel at simbahan nitong Easter Sunday.

Sa ngayon, aabot sa 290 ang namatay habang hindi bababa sa 500 ang sugatan.

Sa ilalim ng emergency law, palalawakin ang kapangyarihan ng pulisya at militar para ikulong at imbestigahan ang mga suspek na walang inilalabas na kautusan mula sa korte.


Ayon sa mga imbestigasyon pitong suicide bombers ang nagkasa ng pag-atake habang sinasabi ng tagapagsalita ng gobyerno na isang international network ang sangkot dito.

Wala pa ring umaako sa nangyaring pag-atake pero hinihinalang mga Islamist militants ang mga nasa likod nito.

Facebook Comments