Bilang ng mga nasawi sa sunog nitong Enero at Pebrero 2019, umabot na sa 67

Nasa 67 indibidwal na ang nasawi sa mga insidente ng sunog sa unang dalawang buwan ng 2019.

Sa isang panayam, sinabi ni Fire Chief Insp. Jude Delos Reyes na 113 porsiyento itong mas mataas kumpara sa 26 na naitala sa kaparehong panahon noong 2018.

Karamihan aniya sa mga nasawi ay na-trap sa loob ng bahay habang natutulog.


Nangunguna naman sa listahan ng mga sanhi ng sunog ang mga kable ng kuryente at pangalawa ang naiwang upos ng sigarilyo.

Habang mas mataan ang insidente ng sunog sa mga residential area kasya sa mga establisyimento.

Ayon kay Delos Reyes, marami na kasi sa mga establisyimento ngayon ang sumusunod na sa fire safety code.
At kasabay ng pagdiriwang ng fire prevention month ngayong marso, nagpaalala ng ibayong pag-iingat sa publiko ang Bureau of Fire Protection.

Facebook Comments