Bilang ng mga nasawi sa tigdas, sumampa na sa higit 200

Pumalo na sa 203 ang namatay sa tigdas.

Ito ang huling datos ng Department of Health (DOH) mula January 1 hanggang February 23, 2019.

Bukod dito, aabot na sa 12,700 ang nagkakaroon ng tigdas kung saan mataas ito kumpara sa higit 2,400 cases noong 2017.


Ayon sa DOH – karamihan sa mga nasawi ay mga batang may edad limang taong gulang pababa.

Patuloy naman ang paalala ng World Health Organization (WHO) kaugnay ng bakuna kontra tigdas dahil sa outbreak na naitala sa Pilipinas maging sa ibang bansa.

Samantala, ipinaalala ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na kasama ang tigdas sa kanilang health coverage.

Facebook Comments