Pumalo na sa mahigit 20,000 kaso ng tigdas ang naitala ng Department of Health (DOH) simula Enero ng taong kasalukuyan.
Batay sa report ng DOH-Epidemiology Bureau, umabot na sa 22,967 ang kaso ng tigdas sa bansa simula Enero a-uno hanggang nitong Marso 19.
Ayon sa DOH, nasa 333 katao na ang nasawi dahil sa tigdas.
Sa nasabing bilang, 96 sa mga nasawi ay mula sa Region 4-A at 87 sa National Capital Region (NCR).
Pinakamarami pa ring tinamaan ng tigdas ang Region 4-A na may 4,740 kaso at NCR na may 4,512 cases.
Facebook Comments