Bilang ng mga nasawi sa Turkey dahil sa avalanches, umakyat na sa 38

Umabot na sa 38 katao ang nasawi habang 53 ang sugatan matapos ang dalawang beses na avalanches sa eastern border ng Turkey sa Iran.

Ayon sa mga otoridad – kabilang sa 300 rescue workers ang labing-apat na nasawi na ipinadala ng gobyerno para iligtas ang dalawang kataong nawawala dahil sa unang avalanches.

Naganap ang unang avalanches nitong Martes at Miyerkules naman ang pangalawa.


Sa ngayon, pinaghahanap na ng mga otoridad ang iba pang natabunan ng avalanches.

Facebook Comments