Bilang ng mga nasawi sa war on drugs, higit 7,000 na – Ateneo Policy Center

Mahigit 7,000 na ang naitalang nasawi sa giyera kontra droga ng administrasyong Duterte mula May 10, 2016 hanggang Disyembre 31, 2018.

Batay sa pag-aaral ng Ateneo Policy Center, pinakamarami ang napatay sa National Capital Region (NCR) partikular sa Manila, Quezon City at Caloocan.

Sa mga lugar sa labas ng NCR, pinakamarami ang napatay sa Bulacan na sinundan ng Cebu.


Sa pagpasok naman ng 2018, mas marami na ang naitalang napapatay sa Calabarzon at Central Luzon.

Ang 59 percent na kabuuang napatay ay dahil sa police operations habang 35 percent ang pinatay ng hindi kilalang suspek.

Nasa 22 percent o mahigit 1,500 naman sa mga napatay sa drug war ang nasama sa narco watchlist.

Facebook Comments