Bilang ng mga nasawing doctor sa bansa dahil sa COVID-19, umabot na sa sampu

Kinumpirma ni Philippine Medical Association (PMA) Presidente Dr. Jose Santiago Jr, umabot na sa sampu ang bilang ng mga doktor na nasasawi dahil sa COVID-19.

Gayunman, hindi naman pinangalanan ni Santiago ang panibagong nasawing doktor.

Hiniling ni Santiago sa pamahalaan na matugunan ang kakulangan ng Personal Protective Equipment (PPE’s) para sa mga Health Worker.


Sa ngayon ay marami rin aniyang Health Care Workers ang na-expose sa COVID patients pero hindi pa naisasailalim sa COVID-19 test.

Facebook Comments