Bilang ng mga nasawing evacuees sa Marawi City, pumalo na sa halos 40

Marawi City – Umabot na sa 39 na evacuees mula sa Marawi City nasawi matapos tamaan ng sakit.

Ayon kay Kadil Sinolinding Jr., Regional Health Secretary ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), tatlo sa mga nasawi ay mga bata na namatay dahil sa dehydration bunsod ng diarrhea habang dalawa ay dahil sa cardiovascular ailments.

Aniya, labing siyam sa mga ito ay maayos ng naidokumento habang ang iba ay agad inilibing ng kanilang mga kaanak dahil na rin sa Islamic tradition.


Kasabay nito, tiniyak ni Sinolinding na patuloy ang pagpapanatili nila ng malinis na evacuation sites na karamihan ay nasa Iligan City.

Nabatid na mayroong 68 evacuation centers na tinutuluyan ng 20,627 katao o 4,249 na pamilya na pawang nagsilikas mula sa Marawi City.

Ang mga evacuation centers ay nasa Iligan City, Lanao Del Norte, Misamis Oriental, at Lanao Del Sur.

Facebook Comments