Sumampa na sa higit isang milyon ang bilang ng mga Healthcare workers at Authorized Person Outside the Residence o APOR ang naserbisyohan ng libreng sakay sa Ilocos Region.
Ang kabuuang bilang ng mga mananakay na yan ay naitala mula sa labing walong ruta na nagbukas para sa Libreng Sakay.
Ang Libreng Sakay ay may layuning matulungan ang mga operator at driver na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa Covid-19 pandemic at patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina sa ilalim ng Service Contracting Program.
Matatandaang umarangkada ang libreng sakay sa rehiyon noong Abril 13 at kasalukuyang sineserbisyuhan ang mga mananakay sa gitna pa rin ng nararanasang pandemya. | ifmnews
Facebook Comments