Bilang ng mga natatanggap na tawag ng One Hospital Command Center, naging triple ngayong buwan

Patuloy na tumataas ang bilang ng natatanggap na tawag ng One Hospital Command Center (OHCC) para sa referral hospital ng mga pasyenteng tinatamaan ng COVID-19.

Ayon kay OHCC Operations Manager Dr. Bernadette Velasco, umaabot sa 600 hanggang 730 na tawag ang kanilang natatanggap kada araw.

Higit na mas mataas ito kumpara sa average na 100 hanggang 120 na tawag kada araw noong buwan ng Hunyo at Hulyo.


Mayorya rin sa mga tumatawag sa OHCC ay ang mga residente ng Metro Manila, Calabarzon, at Central Luzon habang mula naman ang ibang tawag sa mga Pilipino sa abroad para sa kanilang medical repatriations concerns.

Facebook Comments