Bilang ng mga natukoy na sundalo na namatay sa C-130 plane crash, 37 na

Umabot na sa 37 ang natukoy na bangkay sa 50 sundalong nasawi sa naganap na C-130 plane crash sa Sulu kamakailan.

Ito ang iniulat ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col Ramon Zagala.

Aniya, may panibagong tatlong bangkay ang natukoy na nitong Sabado matapos ang pagsasailalim sa ilang proseso dahil sa hindi na makilala sa pagkakasunog.


Ang tatlong ito ay sina Corporal Jerome Balivado, Private Joey Loterte, Private Kevin Damole at mga miyembro ng Philippine Army.

Sinabi pa ni Zagala, mayroon pang 13 bangkay ng sundalo ang patuloy na kinikilala bago tuluyang maihatid sa kanilang mga pamilya.

Facebook Comments