Bilang ng mga naturukan ng booster dose kontra COVID-19, mababa pa rin – Duque

Mababa pa rin ang bilang ng mga naturukan ng booster shot laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ginawa na nila ang lahat upang mapataas ang inoculation rate ng booster shot tulad ng pagbubukas ng vaccination programs sa mga botika, medical clinics, at public transport terminals para magkaroon ng access ang mga tao sa bakuna.

Kaugnay nito ay nanawagan naman ang kalihim sa publiko na samantalahin ang pagpapaturok ng booster shot habang maluwag pa ang mga vaccination center upang hindi na makipagsisikan pa sakaling magkaroon muli ng COVID-19 surge sa bansa.


Samantala, iginiit naman ni Duque na pabor siyang gawing mandatory ang pagpapaturok ng booster shots.

Facebook Comments