Bilang ng mga naturukan ng booster shots kontra COVID-19 sa Maynila, higit 400,000 na

Umaabot na sa 403,325 ang bilang ng mga indibidwal na nakatanggap na ng booster shots kontra COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Ito’y sa loob lamang ng higit dalawang buwan ng simulan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagtuturok nito sa mga residente at hindi residente ng kanilang lungsod.

Kaugnay nito, nasa 3,232,340 na bakuna ang nagamit na ng Manila Local Government Unit (LGU) sa ikinakasa nilang vaccination program.


Ngayong araw ay ikakasa pa rin ng Manila Health Department (MHD) ang pagbibigay ng booster shot para sa A1 hanggang A5 priority groups na mahigit tatlong buwan na ang nakalipas mula 2nd dose kung saan gaganapin ito sa apat na mall at anim na paaralan na may tig-500 doses ng bakuna.

Wala muna rin gaganapin na pagbabakina ng booster shot sa Bagong Ospital ng Maynila at Kartilya ng Katipunan pero tuloy-tuloy pa rin naman ang 24/7 drive thru booster vaccination na nagaganap sa Quirino Grandstand para sa mga 4-wheel vehicle.

Facebook Comments