Bilang ng mga OFW na naka-strict quarantine sa Isabela, Dumarami

*Cauayan City, Isabela*- Patuloy ang pag-akyat ng bilang ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nakasailalim sa Strict Quarantine sa ilang piling quarantine area upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng nakamamatay na sakit.

Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, inilaan ng Provincial Government ang Biazon Hostel at Presidential Cottage sa Isabela State University-Echague upang magamit ng mga uuwi pang ofw.

Kinabibilangan ng 19 na OFW ang nasa Biazon Hostel habang may tatlong OFW ang nakaquarantine ngayon sa Quezon Community Hospital.


Samantala, naka-quarantine din ang tatlong ofw na umuwi sa Isabela mula sa bansang UK habang labin-dalawang (12) seafarer naman na mula sa bansang Germany.

Maliban dito, may karagdagang apat (4) na OFW ang nakaquarantine ngayon mula sa Isabela at isang (1) ofw mula sa Cagayan.

Inaasahan naman ang dagsa ng pag uwi ng mga ofw subalit mahigpit pa rin ang pagsasailalim sa mga ito sa quarantine.

Photo: ISU Echague

Facebook Comments