Patuloy na nadadagdagan pa ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nagmula sa Israel na nakabalik na sa Pilipinas.
Sa datos ng Department of Migrant Workers (DMW), nagsimulang umuwi ang mga OFW noong October 18, ang nasa 16 na OFW na sinundan noong October 20 na umabot sa 18 Pinoy repatriates ang nakabalik sa bansa.
Ayon kay Phililppine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos, nananatili pa sa Gaza ang isang Pinay na madre habang nasa 25 pang Pilipino naman ang nasa Dier Al Bahla, Khan Younis at Rafah sa may Southern Gaza.
Sa kabuuan, nasa 222 na ang mga nakauwi sa Pilipinas sa tulong pa rin ng pamahalaan at ng ahensya ng Department of Foreign Affairs (DFA), DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Facebook Comments