Bilang ng mga OFWs na napauwi na sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic, pumalo na sa higit 164 libo – DFA

Pumalo na sa kabuuang 164,368 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nakauwi na sa bansa mula ng simulan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang repatriation efforts noong February 2020.

Base sa datos ng DFA, nitong nakalipas na buwan ng Agosto bumuhos ang dating ng mga OFWs na umabot na sa 42,583.

Napag-alaman na 76.1% ng mga OFWs na nakauwi noong Agosto ay mula sa Middle East habang ang iba ay mula sa Asia and the Pacific, Estados Unidos, Europe, at Africa.


Mayroon ding mga distressed Filipinos mula sa Malaysia, Qatar, UAE, Saudi Arabia, at Lebanon ang nakauwi sakay ng chartered flights na inorganisa at binayaran ng DFA gamit ang assistance-to-nationals fund

Sa tulong din ng Philippine Embassy sa Tehran at koordinasyon ng Partner Government Agencies, napauwi din ang mga stranded OFWs sa Uzbekistan.

Ngayong pumasok na ang buwan ng Setyembre ipagpapatuloy pa rin ng DFA ang pagpapauwi sa iba pang pinoy na nasa iba pang panig ng mundo.

Facebook Comments