Nasa labing-tatlo na ang bilang ng mga bagon na napapakinabangan ng publiko.
Nakapag-general overhaul ng apat na mga bagon o light rail vehicles (LRVs) na tumatakbo ngayon sa linya ng Metro Rail Transit Line-3.
Ito’y mula sa nauna nang nai-deploy na siyam na newly-overhauled LRVs.
Pandagdag ito sa operational na train sets na binubuo ng 21 CKD train sets at isang Dalian train set.
Sa ngayon, limang LRVs sa kabuuang 72 ang kasalukuyang sumasailalim sa general overhauling bilang bahagi ng malawakang rehabilitasyon ng MRT-3.
Tuloy-tuloy naman ang pagpapasakay ng rail line ng 30% passenger capacity na katumbas ng 124 na pasahero kada train car o 372 na pasahero kada train set.
Facebook Comments