Bilang ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nakalikas na sa Afghanistan, umabot na sa 185

Umabot na sa 185 ang bilang ng mga Pilipino na nailikas mula sa gulo sa Afghanistan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dalawang pinoy ang bagong nakaalis sa nabanggit na bansa matapos na dumating sa Dushanbe, Tajikistan.

Kinumpirma naman ng DFA na nakauwi na sa bansa ang 22 na Pinoy mula Afghanistan sakay ng Philippine Airlines PR721 na bumiyahe mula London.


Naka quarantine na ang 22 Pinoy bilang bahagi ng Health Protocol ng bansa.

Sa ngayon ay may 24 pang mga Pilipino ang nananatili sa Afghanistan habang 16 naman ang naghihintay ng kanilang repatriation mula sa kanilang kumpanya at pamahalaan.

Facebook Comments