Bilang ng mga pamilya na apektado ng malakas na lindol sa CAR, nasa mahigit 37,000 na

Umabot na sa mahigit 37,000 pamilya o nasa 137,000 na indibidwal ang naapektuhan ng magnitude 7 na lindol sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Batay sa report ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office CAR, sa bilang na ito, 1,400 na pamilya o mahigit 4,000 na indibidwal ang nasa evacuation centers.

Anim naman ang naitalang nasawi at 277 ang sugatan matapos ang malakas na pagyanig.


Tinatayang anim na probinsya at 42 na mga munisipalidad ang apektado sa CAR.

Nasa 146 na mga kabahayan naman ang lubhang napinsala habang mahigit 9,000 naman ang bahagyang nasira.

Samantala, ayon sa DSWD Field Office CAR, may nakalaang 345 million pesos na pondo para sa tulong pinansyal sa mga apektadong pamilya at indibidwal, at 2.5 million pesos naman para sa non-food items.

Patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan sa CAR para sa mga kinakailangan pang tulong sa mga biktima

Facebook Comments