Umabot na sa 2,803 na pamilya o katumbas ng 9,563 na indibidwal ang naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Sa nasabing bilang, 1,192 na pamilya ang nasa mga evacuation center habang 1,253 na pamilya naman ang nakikituloy pansamantala sa kanilang mga kamag-anak.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rolando Bautista, sa kabuuan, 2,445 na pamilya o katumbas ng 8,335 na indibidwal ang maituturing na displaced population
Aniya, nakapaghatid na rin sila ng P1.712 milyon halaga ng family food packs, ready-to-eat food, hygiene kits at assistance to individuals in crisis situation sa mga apektadong residente.
Tiniyak din ni Bautista na sakaling lumalala pa ang sitwasyon ng Bulkang Taal, mayroon silang stand-by fund na P1.194 billion para pandagdag tulong.