Bilang ng mga pampublikong bus na bibigyan ng special permit tuwing special holiday, dadagdagan ng LTFRB

Dadagdagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bilang ng mga Public Utility Bus (PUB) units na bibigyan ng special permit tuwing special holiday, gaya ng Pasko at Holy Week.

Ito ay kasunod ng inilabas na Memorandum Circular 2023-024 ng LTFRB na nag-aamyenda sa Memorandum Circular 2015-008 at Board Resolution No. 052, Series of 2018.

Sa ilalim nito, itataas na sa 30% ang kabuuang bilang ng bus units na papayagang makakuha ng special permit tuwing special holiday, mula sa dating 25%


Palalawigin din ng 14 na taon ang year model ng mga bus unit na papayagang bigyan ng special permit, mula sa dating 10 taon lamang.

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, mas maraming pasahero na ang makakaluwas sa kani-kanilang mga probinsya, sa tulong ng mga karagdagang bus units.

Magiging epektibo ang naturang memorandum sa August 14, 2023.

Facebook Comments