Naging maalon na ang karagatan sa Eastern Visayas at Bicol Region dahil sa Bagyong Bising.
Base sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), may 1,153 pasahero, drivers at cargo helpers ang stranded sa ilang daungan sa Eastern Visayas, Bicol Region at pati na sa Northeastern Mindanao hanggang kahapon ng tanghali.
Kabilang din sa stranded ang 22 sasakyang pandagat at 496 rolling cargoes.
Samantala, may 22 sea vessel pa at 7 motorbanca ang tumigil muna sa kanilang biyahe at sumilong pansamantala sa gitna ng masamang panahon dala ng bagyo.
Facebook Comments