Bilang ng mga pasahero na-stranded sa mga pantalan sa Bicol at Southern Tagalog Region, nadagdagan pa

Pumalo na sa 378 na pasahero ang naitalang stranded sa mga pantalan sakop ng Bicol Region at Calabarzon.

Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 253 na pasahero ang naitlaang stranded sa mga pantalan ng Mauban, San Andres at Real sa Southern Tagalog.

Bukod dito, may 9 na vessels, 27 rolling cargoes at 6 na motorbanca ang na-stranded rin habang 20 motorbanca ang nakidaong upang maging ligtas masamang lagay ng panahon.


Nasa 125 na pasahero kabilang ang mga driver at helper ang na-stranded sa apat na pantalan sa Bicol Region kung saan may 8 vessels at 35 rolling cargoes ang hindi rin makabiyahe.

Patuloy na naka-monitor ang PCG sa lagay ng panahon habang pinapayuhan ang mga pasahero na alamin muna sa mga shipping lines kung may re-schedule o kanselado na mga biyahe.

Facebook Comments