Bilang ng mga pasahero na umuwi ng mga probinsya, tumaas

Tumaas ng 20 percent ang bilang ng lumuwas sa mga lalawigan kahapon December 23 kung ihahambing sa parehong araw noong 2017.

Ayon kay Arman Reyes, operations manager ng bus station at bus port ng Araneta bus terminal, pumalo sa 8,179 ang dumagsa na pasahero kahapon.

Ito ay mas malaki kung ihahambing sa 6,800 na naitala noong December 23 ng 2017.


As of 10 AM ngayong umaga, mas kaunti na ang bilang ng mga pasahero.

Nasa 2,000-3,000 na lamang ang mga pasahero sa Araneta old bus terminal at sa bus port na gustong humabol sa pagsalubong sa Pasko.

Aniya, marami sa mga pasahero ay nakauwi na sa nakalipas na tatlong araw.

Wala namang naitalang mga di kanais-nais sa bus tations at sa bus port dahil na rin sa pinahigpit na seguridad sa loob at labas ng Araneta bus terminal.

Facebook Comments