
Kinumpirma ng local air carrier na bumaba ng isang porsyento ang bilang ng air passengers sa nakalipas na buwan ng Oktubre.
Ayon sa Cebu Pacific, 2.1 million na pasahero lamang ang naitala nila sa nakalipas na buwan.
Kinumpirma rin ng CEB na bumaba rin ang overall Seat Load Factor (SLF) sa 79.3% mula sa 80.5%.
Bumaba rin anila ang Domestic passengers ng 4.5%, bagama’t ang International passenger traffic ay tumaas ng 10.7%.
Sa kabila nito, nilinaw ng Cebu Pacific na sa kabuuan ng taon, tumaas ng 12.3% ang bilang ng mga pasahero ng eroplano.
Mula kasi sa 19.6-million air passengers sa nakalipas na taon ay naitala ito ngayon sa 22-million passengers.
Facebook Comments









