Manila, Philippines – Bumaba ang bilang ng mga pasahero sa Araneta Center bus station kumpara noong nakaraang taon.
Ayon kay Princess Curitan ng Araneta Center Bus Terminal Admin Office, mas mababa ang bilang ngayon ng mga pasahero na nasa, 6,894 kumpara noon nakaraan taon na umabot sa 8,497.
Ang nakikita ni Curitan na dahilan ay ang ginawang paglilipat ng ilang bus company ng kanilang terminals sa labas ng Metro Manila.
Bago bumiyahe,isinailalim muna ang mga driver at konduktor sa breath analyzer para matiyak na wala sila sa impluwensya ng alak at droga.
Facebook Comments