Bilang ng mga pasahero sa ilang bus terminal sa Cubao, Quezon City, matumal pa, pagdagsa ng uuwi pa-Metro Manila, inaasahan mamayang hapon

Inaasahang mamayang hapon hanggang gabi magsisimula ang dagsa ng mga tao sa mga bus terminal pabalik ng Metro Manila matapos gunitain ang Undas.

Matapos nga ang pagdagsa ng mga pasahero nitong 31 upang makahabol na makauwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Sa ngayon kasi ay matumal pa ang bilang ng mga pasaherong nagtutungo sa mga bus terminal dito sa Quezon City ngayong umaga.

Ayon sa mga nakausap natin na mga dispatcher, may pasok na kasi ang ilan sa mga kasama natin kung kaya’t inaasahan nila ang mas makapal na volume tao sa kanilang mga terminal.

Lalo na yung mga kasama nating mula Norte at Bicol Region na babalik dito sa National Capital Region (NCR).

Samantala, handa naman ang mga extra bus ng mga terminal matapos ngang bigyan ng special permit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong Undas.

Facebook Comments