Bilang ng mga pasahero sa NAIA sa unang tatlong quarter ng 2023, pumalo sa higit 33-million ayon sa MIAA

Pumalo sa 33.7-million na domestic at foreign passengers ang naitala ng Manila International Airport Authority sa Ninoy Aquino International Airport nitong unang tatlong quarter ng 2023.

Ayon sa MIAA, mas mataas ito sa naitalang 30.9-million passengers sa NAIA sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Umaasa naman ang ahensya na patuloy itong madadagan ang bilang nito hanggang Disyembre bunsod na rin ng holiday season.


Facebook Comments