Bilang ng mga pasaherong babiyahe sa mga pantalan para sa halalan at Undas, nasa higit 26-K na

Courtesy: Philippine Coast Guard

Umabot na sa 26,720 ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa bansa ngayong araw.

Sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot sa 14,746 ang outbound passengers at nasa 11,974 naman ang inbound passengers.

Para manatiling ligtas ang biyahe, nagtalaga ang PCG ng 3,056 na tauhan sa labinlimang distrito nito.


Ininspeksyon din ng Coast Guard ang 150 na barko at 127 na motorbanca bago bumiyahe.

Mananatili ang heightened alert ng Coast Guard hanggang November 6, 2023 para sa inaasahang pagdagsa ng pasahero ngayong Undas at halalan.

Facebook Comments