Mas lalong tumaas ang naitalang bilang ng mga pasahero na bumiyahe sa mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa datos ng Philippine Coast Guard sa ilalim ng “Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2021”, nasa 70,386 outbound passengers ang kanilang na-monitor habang 60,622 naman ang bilang ng inbound passengers.
Base pa sa nasabing datos, tumaas ng 6% o katumbas ng 3,956 ang nadagdag sa mga outbound passenger kung saan nasa 4% o 2,091 ang nadagdag sa mga inbound passenger kumpara noong December 28, 2021.
Nasa 958 na vessels at 771 na motorbancas ang sumailalim sa inspeksyon ng mga tauhan ng PCG mula sa 15 distrito nito.
Inaasahan ng Coast Guard na mas lalo pang dadagsa ang mga pasahero sa mga pantalan mamayang hapon kung saan muli nila pinapaalalahanan ang lahat na alamin ang umiiral na ordinansa sa mga lalawigan na kanilang pupuntahan lalo na’t ang iba sa mga lokal na pamahalaan ay may kani-kaniyang hinihingin dokumento at requirements ng ilang pagsusuri.